Biyernes, Agosto 5, 2011

"KAILAN BA?"

Kailan ba matatapos ang geyira?
Kailangan ba natin magpatayan
Para makamit lang ang bayan
na inaasam?.

Kialan ba natin maisip na tayo
ay iisa?
Nakatira sa  isang bansa
namumuhay  para sa pamilya.

Kailan ba natin  matutunan na tayo
ay magkatulad?
Muslim at kristiyano  tayo
ay isinilang sa bayng pangako
Ako man ay hindi taga sulu,at cotabato
Ngunit saksi rin ako sa sa inggit at
puot nang tao.

Kailan ba mapagtanto ng bawat tao
na lahat tayo ay pinoy?
Kapuso,Kapatid,at Kapamilya
Kung walang puso walang pagmamahal
sa kapatid
Kung walang kapatid hindi kompleto
ang pamilya.

Kailan ba natin tatapusin ang walang
katuturan na away?
sapagkat marami na ang nadamay
Kikilos lang ba kung huli na ang lahat?
Hahayaan lang ba na na pati inusenteng bata'y
 madamay?gustuhin ba natin na imbis
na magtulungan ay magaway?

Kailan natin matutunan kung paano mag mahal
ng kapwa?
Sana ay huwag nating hayaan na
 kasamaan ang mag hahari sa mundo
Pag mamahal ng bawat isa ang dapat ipairal
Ngunit kailan? kailan ba talaga?